loneliness

MAHIRAP ANG GANITO...SO ANU'NG GINAWA KO?

hindi sa lahat ng pagkakataon madaling ngumiti...mahirap ang ganito...

mahirap kung iba ang tingin sa iyo ng tao at masaydo mong pinapansin ang iniisip ng iba...ang hirap ng ganito

mahirap 'yung wala kang makitang kaparehas mo...mahirap 'yung nakikita mo ang sarili mo na iba sa lahat....ang hirap ng ganito...

mahirap 'yung wala ka nang makitang interesante sa mundo...mapa-tao man o bagay....ang hirap ng ganito

mahirap 'yung sawa ka na sa ingay ng mundo, sa mga reklamo, mga galit at away ng mga tao

SO....ANUNG GINAWA KO?

SINO ANG INASAHAN KO?

ANO ANG KASAMA KO?

kaibigang GITARA, halika, tugtog tayo, lunurin natin ang ingay ng mundo

anime ko, pakitaan niyo pa ako ng bago, ilayo niyo ako sa paulit-ulit na pangyayari sa buhay ko

Panginoon, alam kong hinding hindi mo ako iiwan, hinding hindi ka magsisinungaling sa akin, hinding hindi mo ako tatraydurin

napaka-cynical ko ba? siguro...pero 'di mo maiaalis ang realidad sa mga sinasabi ko...

so, tahimik ba ako dahil natural akong tahimik?, hindi...naging mabigat lang ang mundo para sa isipan ko

:)