WAS THIS MEANT TO BE pt.2

...
tahimik...

hinanap ko si ate sa buong Porta Vaga building...Naturopaths nga namn...

sarado un ng Sunday, kaya hindi ako dumiretso doon...sa may Adoration room ako pumunta...walang tao

nagreply si Ate sa text: "patulong naman, hindi ko mabuksan 'yung pintuan dito sa Naturo..."

baba naman daw ako...to the rescue, pero...bukas naman na pagdating ko...

nakakatuwang tignan si ate nun, "iba" yung suot nia...basta. Tapos may dala pa siyang gitara na na nasa isang leather case...naalala q ung gitara ni Antonio Banderas sa Once Upon a Time in Mexico...Washburn ang tatak...ung aking Gisbon, tama, Gisbon...

tapos may kasama siyang bata, may dalang clarinet..."si Angela yan...". Mas nakakatuwa ito, may mga bata pala sa Brevs...

kinausap ko...ayaw magsalita, pinaglalaruan na lang nia ung note sheets niya...nakakalula ung itsura ng clarinet...mukhang mahal...

mas nakakalula 'yung gitara, mukhang mas mahal..."50,000+ ang original price nian", sabi ni ate nung tinanong q cia...

hinawakan ko, nang ninenerbyos..."50,000 yan loko, pag may nangyari dyan..." yun na lang naiisip ko...madalas kasi aqng makasira ng gitara, "curiosity"

wow...sa buhay q hanggang 13k lang na presyo ng gitara ang nahawakan ko...pero ang sarap ng feeling habang tinutugtog ko un, ayaw ko nang bitawan...

natapos si ate magencode ng song sheet...kelangan ko nang bitawan ung gitara...

paalam, kaibigan kong balot sa hard leather...

"tara" sabi ni ate...

Tapos nand2 na ung hero role ko, isasara na namin 'yung pintuan ng naturo...sliding door, medyo may sira...kala ko nga mdaling isara e...ilang minuto ang nakalipas, ilang tao na ang dumaan, ilang Newtons na ng pwersa ang naexert ko...finally, naisara na..."

Balik poise naman daw ako..."haha, naisara ka rin!" , sabi ng utak ko

Off we go sa Adoration room...

to be continued...

:)