Miguel's World
I have a lot of things going on in my mind...I would love to share it with interested people looking for weird and fun read
Nawala Na Ba Sa Iyo Ang Kabataan Mo?
Hindi maikakaila na abala ang mga tao ngayon; sa trabaho, sa pag-aaral, sa mga kasintahan at sa mga kung anu-ano pang mga bagay. Kung minsan nga masyado na silang abala, na nakakalimutan na nila ang mga mas mahahalagang bagay sa buhay; nakakalimutan na nilang magpahinga, at pansamantalang isipin ang mga bagay na maliit man ang detalye ay matindi ang impluwensya sa buhay natin.
Naaalala ko iyong mga panahong nasa elementarya pa lang ako. Noon, hindi isyu ang 65 na grade, ang attendance mo sa klase, ang overnights para sa mga projects, ang paglabas sa mga night clubs at inuman, ang pagsa-shopping. Nabubuhay lang ako upang mag-aral, kumain, maglaro at manood ng tv. Natutuwa ka pa sa sampung piso, sa mga tutubing lumilipad, sa mga hermit crab na naghahabulan at kung anu-ano pa. Napapansin mo pa iyong ganda ng buwan at bituin, iyong payapang agos ng hangin sa dalampasigan. May oras ka pa para magbabad sa araw at magpakapawis, maglaro sa ulan at magtampisaw sa putik.
Nakikita ko ang mga teenagers ngayon, at kung minsan nalulungkot ako. Wala na ang pagmamahal sa kasimplehan sa buhay, wala na ang mababaw na kasiyahan, lahat ng mga bagay na ikinatuwa ko noon, corny na ngayon.
Oo, siguro nga mas mabigat ang buhay ngayon, hindi tulad noong mga panahon na iyon. Pero hindi naman natin kailangang makalimot hindi ba? Hindi naman mabigat ang isang araw upang magbalik-tanaw sa ating kabataan, hindi ba? Mahirap ba para sa atin dahil corny? Dahil hindi cool? Dahil matanda ka na?
Ikaw ba? Nawala na ba sa iyo ang kabataan mo?
"...the children will inherit the kingdom of God"
- miguel's blog
- Login to post comments

Recent comments
30 weeks 19 hours ago
37 weeks 3 days ago
51 weeks 5 days ago
1 year 5 weeks ago
1 year 6 weeks ago
1 year 6 weeks ago
1 year 10 weeks ago
1 year 12 weeks ago
1 year 12 weeks ago
1 year 14 weeks ago