I Only Want the Best For You

Wow...post...after almost half a year...

Sa mga di nakakakilala sa akin...ayos lang 'yan. Natutuwa ako at hindi pa expired ang account ko sa website na ito.

So on with the story...

Hanep ang agos ng buhay lately; kung saan saan ako natangay. Maraming nasirang plano, maraming nasayang na pera, at maraming nakalimutang gawain. Nakaka-banas lately...masarap magtanong, masarap magtaka.

Sa dami ng plano kong hindi ko naisakatuparan dahil sa mga pangyayaring hindi ko kontrolado, napapatanong ako...

May silbi ba ang pagpaplano para sa sarili mo kung lahat ng bagay sa buhay mo ay ayon sa gusto ng Panginoon para sa iyo?

May silbi ba ang paglalatag ng daang iyong tatahakin sa buhay kung anytime e pwede kang i-liko ng tadhana?

Mas maganda bang umupo na lang at maghintay dahil ng mangyayari dahil lahat naman ng pangyayari ay ayon sa "grand plan"?

...tsk, tsk, tsk...hindi ako nagrereklamo, nagtatanung lang...

nasa konsepto rin naman na tayo ng "grand plan e" marahil naicp nu na rin minsan...at naitanong sa sarili

1. "bakit kaya may nauna sa aking nakabili ng na iyon?"

2." bakit kaya basted na naman ako? Mahal ko naman siya, ginawa ko naman lahat ng makakaya ko...

3. bakit kaya hindi ako pinayagang ?

marahil narinig ninyo na rin, na ang gusto lang ng Panginoon para sa atin ay ang pinaka "the best"...

pero aaminin ko...kung minsan ayaw ko ng "the best"...

minsan gusto ko lang na matupad ang mga plano ko, makuha ang babaeng gusto ko, at magawa ang gusto ko...

nais kong ipaalala na hindi ako isang kontrabidang gusto kayong kunin sa "dark side"...gusto ko lang mag-share ng mga konsepto sa totoong buhay kung saan matatagpuan ninyo ang sarili ninyong nagtatanong, nagtataka, nawawala, at nahihirapang isagawa ang kagustuhan ng Panginoon...

oo, tama ka...

ngayon ako rin ay nagtatanong, nagtataka, nawawala, at nahihirapan...

gusto mo ba akong tulungan?

Category:
:)